Lunes, Pebrero 13, 2012

Shirt! I'm Lost!

Ang aking susunod na i-rereview na pamahiin ay hindi ko pa rin napapatunayan kung totoo o hindi. Madalas sa mga kakilala ko ang gumawa nito at nagkatotoo daw.. kaya alamin natin kung totoo nga ba ito.

ANG PAGBALIKTAD NG SUOT NA DAMIT AY SOLUSYON KAPAG NALILIGAW NG DAAN. Maraming nagsasabing kapag ikaw ay naliligaw, baliktarin lamang ang iyong damit upang hindi ka na pagkatuwaan ng mga ibang nilalang at patuluyin ka na sa tamang daan. Base sa aking mga naririnig, may mga na-experience na raw sila na ganito. Hindi ko pa nasusubukan pero sa tingin ko ay pwede itong totoo o kaya naman ay nagkakataon lang talaga ang mga bagay-bagay.

Isa sa mga pinsan ko ang nag-share ng kwento tungkol sa karanasan nila sa pagbabaliktad ng damit habang naliligaw. Siya raw at ang mga kaibigan niya ay nag-outing at noong pabalik na sila ng Manila, para daw silang hindi nakakaalis dun sa lugar na iyon, parang paikot-ikot lang raw sila. May isa sa kanyang mga kaibigan ang naniniwala sa pamahiin kaya't sinabi sa barkada na baliktarin ang shirt na suot nila. Dahil na rin sa takot, binaliktad nga ang mga suot nila. Pagkatapos raw noon, nakita na nila ang totoong daan at nagpatuloy na sila sa paglalakbay..

Sa aking palagay, nagkataon lang ito. Ano namang kinalaman ng pagbabaliktad ng damit sa paglalakbay? May kaugnayan ba ang pagbabaliktad ng damit sa pag-iisip o pagtahak ng tamang daan? Paano kung hindi ko binaliktad ang aking damit kapag naliligaw ako, forever na ba akong maliligaw? Minsan, naligaw na rin ako sa isang lugar, pero nahanap ko naman ang tamang daan nang hindi binabaliktad ang aking damit.

Siguro, kaya minsan ay pinaniniwalaan ng mga tao ang pamahiing ito ay dahil nagkakatotoo nga sa sitwasyon nila. Sa palagay ko, dahil sa takot, nagiging mas active ang utak natin sa pag-iisip kung kaya't mas nahahanap natin ang tamang daan. Kung baga, pampalakas loob ang pagbabaliktad ng suot na damit.. In short, "psychological" lang yan! Wahahahaha!!! Isipin mo nga, hello? Damit lang yan...ni walang kaugnayan sa paligid mo... hehe..

Naibigay ko na at nasabi ko na ang opinyon ko dito, nasasainyo pa rin kung babaliktarin niyo ang inyong mga damit kapag naliligaw kayo...wahahahah!



1 komento:

  1. ano po ang tawag sa tagalog kapag binabaliktad mo ang iyang damit pag naliligaw?

    TumugonBurahin