Linggo, Pebrero 26, 2012

Pakpak... Bulag!

Isa sa mga kinatatakutan kong hayop ang paru-paro. Ang weird no?..pero totoo.. Ewan ko ba, takot lang talaga ako sa halos lahat ng hayop kahit pa sa mga hayop na maliliit at wala namang ginagawa sayo katulad nga ng paru-paro... Sinasabi nila na lahat ng takot ay may pinaghuhugutan kaya naisip ko, ano kayang nangyari at pati paru-paro ay kinatatakutan ko?

Ayan, isang pamahiin na naman ang lumabas, and worse...may kinalaman ang butterfly!!! Anu berrr!! Sabi ng mga matatanda, kapag raw hinawakan mo ang pakpak ng mga paru-paro at kinusot mo ang iyong mga mata, ikaw raw ay mabubulag. Eto siguro ang rason ng takot ko sa butterfly. Imbis na magandahan ako sa kanila, natatakot pa ako! Maling paniniwala na naman ang nangyari sa aking buhay.

Ano nga bang makukuha sa paghawak ng pakpak ng paru-paro? Siyempre, wala akong sariling karanasan dahil nga takot ako sa paru-paro pero siyempre, dahil gusto kong patunayan na mali ang pinaniniwalaan ko dati at matutunan kong mahalin ang mga paru-paro, magbibigay na lang ako ng sitwasyon kung saan mapapatunayan ko na isa na naman pong kahibangan ang pamahiing ito.

kung nakakabulag nga ang mga pakpak ng paru-paro, bakit maraming bata na humahawak ng paru-paro at walang kamalay-malay na kumukusot ng kanilang mga mata ang hindi pa bulag hanggang ngayon? Yung mga caretaker ng butterfly garden sa mga zoo, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila bulag? Sabihin na nating di nga nila kinusot ang kanilang mga mata... pero kung may substance nga na inilalabas ang mga paru-paro sa kanilang pakpak upang makabulag, edi sana, lahat ng lumapit at tumingin sa mga pakpak nito, ay nabulag na, lalo na yung mga taong nadapuan pa ng paru-paro sa mata?

O di ba? Walang epekto ang pakpak ng paru-paro sa pagkabulag ng isang tao dahil bukod sa mga katanungan ko, wala naman talaga nabulag sa pakpak ng paru-paro eh.. ngayon, kung naniniwala pa rin kayo sa ganitong pamahiin... wala na akong magagawa dun...sinabi ko lang po ang aking opinyon at kayo na ang bahala kung anong gagawin niyo.. Basta ako... hindi na ako maniniwala para mawala na ang takot ko.. mas matapang pa sa kin ang mga bata eh..hihihi!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento