Martes, Marso 27, 2012

Heartbreaker Hanky

Halllooo mga tagasubaybay! Matagal akong di nakapagsulat dahil napakademanding ng schedule ko..may gulay! Pasensya na po..anyways, di ko na papahabain ang "apology" introduction ko para sa isa na naman pong pamahiin na tatalakayin ko ngayon araw.

Narinig niyo na ba ang pamahiing: Wag kang magreregalo ng panyo sa girlfriend/boyfriend, dahil ang ibig sabihin nito ay papaiyakin mo siya? Kung binabasa niyo nga ang aking mga blog, siguro naman alam niyo na ang pakay ko ngayon, ang sabihing HINDI TOTOO ang pamahiin na ito! Hello, ano kayang kuneksyon ng panyo sa pagkakaroon ng luha di ba?

Kung iisipin natin ang logic ng panyo at ng pag-iyak, pwede natin itong maihantulad sa, hmmmmmm....pampatay ng lamok! Pag binigyan ka ng pampatay ng lamok, ibig sabihin ay lalamukin ka! Nyahahahah....di ba, walang kwenta? Paano ko nga ba naihantulad ang pampatay ng lamok sa panyo? Isipin niyo ah, pag may panyo ka, pamahid yun ng luha o kaya ng pawis...pag naman may pampatay ka ng lamok, gagamitin mo yun sa pagpatay ng lamok.. o di ba? Ngunit wala pa rin naman talagang katotohanan ang ganitong logic..duh!

Ang luha lalabas yan kapag napuwing ka o nalungkot o sumaya ng todo, hindi yan lalabas ng dahil binigyan ka ng panyo bilang regalo.. well, baka pwede kung sobra kang natuwa or nalungkot sa pagkakaregalo sa'yo ng panyo, pero hanggang dun na lang yun ano!... Kung ibabase natin yan sa karanasan ko sa buhay, well.. ako ang nagregalo ng panyo sa boyfriend ko noon...pero ang nangyari ay, AKO ang UMIYAK! Sus...kaya wala talagang katotohanan itong kasabihang ito..

Ang pag-iyak ay hindi kunektado sa pagkakaroon ng panyo na bigay ng iba.. itong kasabihan na ito ay likha lamang ng mga taong may pagkapraning katulad kona walang magawa kung di bigyang malisya lahat ng bagay..wahahaha!! In fairness, magaling din silang mag-connect ng mga bagay-bagay...yun nga lang, umaabot sa point na kahibangan na nga.. Kung hindi pa rin kayo naniniwala sa kin, eh...kayo na bahalang mabulag sa mga pamahiin na iyan.. Adios muna para naman makalamon na ako ng aking hapunan! hihihi!



 

Huwebes, Marso 8, 2012

Laglagan na!

Tayong tao, super malikhain tayo eh. Marami tayong naiimbentong mga bagay para mapadali ang ating buhay. at isa na rito ang mga gamit sa pagkain. Ang kutsara at tinidor ay mga bagay na tumutulong sa atin upang tayo ay makakain ng may class o kaya'y makakain ng mahusay, eh paano kung sila ay mahulog mula sa mesa nang di sinasadya?? May ibig sabihin kaya nito? Well, what do you expect? Siyempre, meron.. duh..kaya nga po ako nagbblog.. hehehe.. ok..

Isa sa mga pamahiin ng mga matatanda ang tungkol sa pagkakalaglag ng kutsara at tinidor. Ang sabi ay, kapag raw nalaglag ang kutsara ay may darating na bisitang babae at kapag naman nalaglag ang tinidor ay may darating na bisitang lalaki.. wahahahaha! funny yah? O sige, in fairness sa mga lolo at lola dyan na nagpapalaganap ng mga pamahiin na ito, minsan naman ay nakakachamba ngang nagkakaroon ng bisita ayon sa nalaglag na kubyerto.. pero, mga friends, hindi po ito nagpapatunay na totoo ang kasabihang ito!!!

Kung ang pagkakalaglag ng kutsara ay para sa bisitang mga babae at ang pagkakalaglag ng tinidor ay sa mga bisitang lalaki... paano ang kutsilyo pag nalaglag o kaya chopstick sa mga mahihilig gumamit ng chopsticks? Ano yun, juding or tibo ang darating? Bakit ang sexist naman? Hindi ba pwedeng pag nahulog ang kutsara eh lalaki ang dumating or vice versa? O di ba...sumagad na naman po ako sa mga katanungan...at isa po yang patunay na wala po talagang katotohanan ang kasabihang ito...

Ano nga bang kaugnayan ng mga kubyerta sa pagdating ng bisita? Ano yun, pag nahulog ang tinidor, may bisitang lalaki agad? HALLER?? hahaha...sige nga..mag-isip-isip naman kayo friends!!...






Linggo, Marso 4, 2012

Walastik Walis!

Makikita niyo pa lang sa title na ang topic natin for today ay WALIS! Haha..opo mga kaibigan... isang pamahiin na naman po tungkol sa pagwawalis ang aking tatalakayin ngayon. Pati pagwawalis, mayroong kasabihan...ang mga matatanda nga naman!

"Sinasabi na ang pagwawalis raw sa gabi ay nagtataboy ng swerte....ibig sabihin, bawal magwalis kapag gabi kung gusto mong tuloy tuloy ang swerte na pumasok sa inyong bahay.." (CHINESE ACCENT)... hahaha..kaya ko nilagay na chinese accent ay dahil naimagine ko ang sarili kong nagsasabi ng feng shui.. hahaha.. anyways.. katulad ng ng sinasabi ko noon pa.. wala pong katotohanan ang mga ito!! Duh!

Kapag ikaw ay nagwawalis, hindi ba't gusto mo lamang luminis ang iyong winawalisan upang makaiwas sa dumi at alikabok na nagdadala ng malas na sakit na iyan? So mas malas pag hindi ka nagwalis dahil may posibilidad na magkasakit ang mga tao sa iyong paligid...eh paano kung kinailangan mong magwalis sa gabi? Susundin mo pa ba ang pamahiin para lamang makuha ang walang kasiguraduhang swerte? Isasaalang-alang mo ba ang health ng mga taong nakapaligid sayo at health mo rin para lamang dito? Mag-isip ka friend!!

Eto lang ang masasabi ko sa inyo...ang swerte, nasa kamay yan ng tao....kung swerte ka edi swerte..kung di ka naman talaga swerte..eh pasensya ka...di yan nakukuha sa pagwawalis nuh! Wahahahahahaha....Hello? Kung gusto mong swertehin ka..ang magandang gawin ay gumawa ka at hindi kung anu-ano po ang pinaniniwalaan mo dahil kung takot kang isugal ang ganitong bagay, walang mangyayari sa life mo...gets? Bow! Ayan...nangaral pa tuloy ako...




Biyernes, Marso 2, 2012

I Must Not Fit!

Dahil isa akong hopeless romantic, ang gagawin kong blog ngayon ay tungkol sa kasal!! Wahahahaha... hindi ba't magandang pagmasdan ang mga ikinakasala lalo na kung mahal talaga nila ang isa't isa? Siyempre, para sa aming mga babae, pangarap namin ang makapaglakad sa altar at magsuot ng wedding gown... Gusto namin, kami ang pinaka-dyosa sa kasal namin at dahil dyan, gusto namin na perpekto ang lahat. Ippraktis lahat ng ceremony na gaganapin, isusukat lahat ng dapat isukat para alam mong kasyang-kasya... Pero, mga kaibigan, isa na naman pong pamahiin ang humahadlang dito! Sinasabi na bawal raw isukat ang wedding gown bago ikasal dahil HINDI RAW MATUTULOY ANG KASAL!

Lahat naman ng desisyon sa buhay ay galing sa tao..bakit mo iisipin na dahil sa isang pagsusukat lamang ay mababago na ang mga plano at hindi na matutuloy ang dapat matuloy... tsk tsk tsk.. Base rin po sa mga nakikita kong kinakasal, talagang sinusukat ng bride ang gown bago ikasal... ABA! Minsan ka lang ikasal, hindi mo pa gagawing perpekto dahil lamang sa isang pamahiin?

Tingnan niyo ah, paano kung naniwala ka sa pamahiin at sa araw ng iyong kasal, eh bigla mo na lamang nakita na di pala kasya ang damit mo! Edi deads ka, ano ka ngayon? Well, marami ka namang options kung sakaling mangyari yun. Una, kung tumaba ka...pwede kang hindi huminga buong ceremony upang magkasya ang iyong gown kung kakayanin pa. Kung di na talaga kaya, maghanap ka ng tali o kahit anong pwedeng magkabit sa mga parte na hindi maisara, kung wa-epek pa rin po ito at mas mataba ang maid of honor mo sa iyo, no choice...hiramin mo gown niya..Nyahahaha!

Marami pa namang ibang solusyon pero maiiwasan naman ito kung hindi ka nagpapaniwala sa mga kung anong dapat paniwalaan... Di ba? Ay sus!


Linggo, Pebrero 26, 2012

Pakpak... Bulag!

Isa sa mga kinatatakutan kong hayop ang paru-paro. Ang weird no?..pero totoo.. Ewan ko ba, takot lang talaga ako sa halos lahat ng hayop kahit pa sa mga hayop na maliliit at wala namang ginagawa sayo katulad nga ng paru-paro... Sinasabi nila na lahat ng takot ay may pinaghuhugutan kaya naisip ko, ano kayang nangyari at pati paru-paro ay kinatatakutan ko?

Ayan, isang pamahiin na naman ang lumabas, and worse...may kinalaman ang butterfly!!! Anu berrr!! Sabi ng mga matatanda, kapag raw hinawakan mo ang pakpak ng mga paru-paro at kinusot mo ang iyong mga mata, ikaw raw ay mabubulag. Eto siguro ang rason ng takot ko sa butterfly. Imbis na magandahan ako sa kanila, natatakot pa ako! Maling paniniwala na naman ang nangyari sa aking buhay.

Ano nga bang makukuha sa paghawak ng pakpak ng paru-paro? Siyempre, wala akong sariling karanasan dahil nga takot ako sa paru-paro pero siyempre, dahil gusto kong patunayan na mali ang pinaniniwalaan ko dati at matutunan kong mahalin ang mga paru-paro, magbibigay na lang ako ng sitwasyon kung saan mapapatunayan ko na isa na naman pong kahibangan ang pamahiing ito.

kung nakakabulag nga ang mga pakpak ng paru-paro, bakit maraming bata na humahawak ng paru-paro at walang kamalay-malay na kumukusot ng kanilang mga mata ang hindi pa bulag hanggang ngayon? Yung mga caretaker ng butterfly garden sa mga zoo, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila bulag? Sabihin na nating di nga nila kinusot ang kanilang mga mata... pero kung may substance nga na inilalabas ang mga paru-paro sa kanilang pakpak upang makabulag, edi sana, lahat ng lumapit at tumingin sa mga pakpak nito, ay nabulag na, lalo na yung mga taong nadapuan pa ng paru-paro sa mata?

O di ba? Walang epekto ang pakpak ng paru-paro sa pagkabulag ng isang tao dahil bukod sa mga katanungan ko, wala naman talaga nabulag sa pakpak ng paru-paro eh.. ngayon, kung naniniwala pa rin kayo sa ganitong pamahiin... wala na akong magagawa dun...sinabi ko lang po ang aking opinyon at kayo na ang bahala kung anong gagawin niyo.. Basta ako... hindi na ako maniniwala para mawala na ang takot ko.. mas matapang pa sa kin ang mga bata eh..hihihi!


Huwebes, Pebrero 23, 2012

Wet Me Then No See

Hayyyy, ang sarap maligo sa gabi lalo na kapag nanlalagkit ka buong araw at gusto mong magrelax, di ba? Pero oops, ang sabi ni lola.. wag raw~!!!!! Alam niyo kung bakit? Dahil pag basa raw ang iyong buhok at ito ay tinulugan mo, deads ka... bulag ka pagkagising mo! Oh my GASH!

Noong bata ako, takot na takot akong maligo sa gabi dahil nangangamba akong baka makatulugan kong basa ang aking buhok at ayaw kong mabulag sa umaga ayon sa pamahiin ni lola.. Kaya noong bata ako, kahit sobrang malagkit ang feeling ko, super tulog pa rin ang lola mo! Oh well... pero siyempre.. noong tumanda ako at nagkaisip...hayy naku, walang kwenta talaga ang mga pamahiin... Kadiri lang yung ginawa ko dati.. Wala naman talagang mangyayari sa mata mo kung natulog kang basa ang buhok... sa naranasan ko, pwedeng lamang sumakit ang ulo mo at magkaroon ng wet mark ang unan mo.. AYUN LANG YUN! Hindi ako nabulag at mas lalong hindi ako nabaliw na katulad ng paniniwala ng iba..

Sa aking palagay, naiisip lang ng mga matatanda ang ganitong pamahiin dahil baka pag basa ang buhok at may natirang shampoo tapos pumunta sa mata tapos nagkatong natulog at napapunta sa mata ang shampoo, eh yun ang maaaring sanhi ng pagkabulag..eh napaka-shunga naman ng gagawa nun.. at sasakit lang rin ang mata mo kung mapapunta man ang shampoo sa mata hindi naman totally mabubulag ka.. hayy.. ang mga lola talaga.. hahahah..na-realize ko, ang weird pala ng explanation ko kung bakit pwedeng magkatotoo yung pamahiin...maipilit lang kasi eh sa totoo lang, hindi naman talaga pwedeng ipilit na totoo kasi HINDI ITO TOTOO!

Kung di pa rin kayo naniniwala sa karanasan ko at mga pinagsasabi ko, go ahead and try... kung nabulag kayo e di sorry, haha, totoo pala.. pero nakakasiguro naman ako na hindi kasi nga nasabukan ko na... kayo na bahala mag-isip kung ano talagang opinyon niyo.. wahahaha...


Martes, Pebrero 21, 2012

Instant-Talino Libro

Kapag ikaw ay humiga, ilagay mo lang ang libro sa ilalim ng unan mo at ikaw ay tatalino! Eheeemmmmm... ano na naman po itong kahibangang ito? Matutulog ka lang na may libro sa ulo tapos tatalino ka na? Sana kung totoo ito, marami nang matalino sa mundo at wala nang mga shunga sa kalye, sa relationships, sa buhay at sa kung anu-ano pa!... Para saan pa ang eskwelahan kung tatalino na tayo sa pamamagitan ng pagtulog sa isang libro?

Kung saan man galing ang pamahiing ito, nakakasigurado ako na gawa-gawa lang iyon for the sake of pamahiin. Hahahaha.. oh well, sa bagay...sila na rin ang nagpatunay na mali ang kanilang pamahiin dahil kung totoo ito, wala na sanang mga pamahiin na kumakalat noong sinaunang panahon pa at puro scientific evidences na lang ang meron sa ngayon...

Pero kung iisipin natin, at kung sasabihin nating totoo nga na tumatalino tayo pag nakakahiga ng libro, hindi ba't nakakatakot rin yun? Kasi tingnan niyo ah, kung lahat ay naniniwala at gumagawa ng ganito, maraming tao ang hindi magiging kuntento sa pagsasalita at maaari pang madagdagan ang mga MAYAYABANG sa mundo dahil nga lahat na ng tao ay matatalino...

Kaya hindi totoo ang mga pamahiing ganito ay upang mapanatili ang balanse ng mundo, sa tingin ko ah, kasi hindi tayo magiging perpekto at magkakamali pa rin tayo sa mga bagay-bagay.. Paano kaya naiisipan ng mga matatanda yung mga kasabihang ito? Sabi nila, mas matatalino ang mga matatanda...pero bakit walang ebidensya ang mga pamahiin na sinasabi nila...Hayy, mga tao nga naman... O basta, hindi totoo ang pamahiing ito dahil nasubukan ko na.. wahahahaha... magiging matalino ka kung babasahin mo ang libro at iintindihin, hindi HIHIGAAN.


Biyernes, Pebrero 17, 2012

Ay Tumalon! Ay Lumaki!

Sino sa inyo ang tumatalon noong bata kapag bagong taon? Hindi ba't pinaniniwalaan niyo na kayo ay tatangkad kapag tumatalon sa bagong taon? Aminin! Naku, ako ay nabiktima na rin nitong pamahiin na ito.. at inaamin ko na hanggang ngayon ay gusto ko pa rin gawin. Desperado akong tumangkad pa kaya pati ito ay pinapatulan ko! Wuhuhuhuhuhu....

Anyways, dahil nga kailangan kong magpatunay na hindi totoo ang iba't ibang pamahiin, kailangan ko itong kilatisin. Kung ako ay makikita niyo sa personal, isa lang akong maliit na babae...5'0" lang ang height ko at sadyang gusto ko pang tumangkad kahit mga 2 inches lang.. kaya naniniwala pa rin ako sa pamahiing tatangkad ang mga tumatalon sa bagong taon! Pero, dahil natanggap ko na na hindi na talaga ako tatangkad, masasabi ko nang WALANG EPEKTO ang pagtalon sa bagong taon!!!

Di ba, parang tanga lang tayo na umaasa na baka pwedeng magkatotoo..pero sa totoo lang, wala naman kinalaman ang pagtalon sa bagong taon sa pagtangkad ng isang tao. Mabuti sana kung araw-araw na tumatalon ang tao, baka dun, may scientific explanation pa kung paano iyon makakatulong sa pagtangkad...

Pero kung iisipin mo, gagawin at gagawin pa rin ng mga desperadang katulad ko ang pagtalon sa bagong taon dahil isa sila sa mga ewan na kahit alam nilang wala naman talagang epekto eh ginagawa pa rin, para masaya! "Wala lang, gusto ko lang tumalon! Uso kasi.."...parang ganyan.. Oh well.. ang mga tao nga naman..

Sinasabi ko sa inyo, wag na kayong maniwala sa pamahiing ito, pero kung ayaw niyo pa rin maniwala sa kin...edi subukan niyo.. kung nagkataon man na tumangkad nga kayo, aba.. NAGKATAON lang yun at hindi yun dahil effective ang pagtalon sa bagong taon. Ayun lang po ang masasabi ko ngayon. Bow!


Miyerkules, Pebrero 15, 2012

Hawak Kamay (Valentine's Day Blog)

Hi people! Ang gagawin kong blog ngayon ay special blog para sa araw ng mga puso. Pasensya na kung medyo late, nagkataon lang na sadyang super busy ako kahapon.. Ok, so sisimulan ko ang blog na ito sa isang tanong... Nagkaroon na ba kayo ng minamahal? Nagkahawakan na ba kayo ng mga kamay? Mayroon kasing kasabihan tungkol sa paghawak ng kamay ng mga mag-nobyo!

Pansinin niyo ang paghawak niyo ng inyong mga kamay at kung kaninong thumb ang nasa ibabaw.. Sinasabi na kung kaninong thumb ang nasa ibabaw, yun raw ang mag-"dodominate" sa inyong relasyon.. Kunwari sa larawang ito:

Makikita niyong ang thumb ng babae ang nasa ibabaw.. Ibig sabihin nito, siya ang magdadala o "dominant" sa relasyon nila.. ngunit kung babaliktarin mo at ang thumb naman ng lalaki ang nasa ibabaw, ang lalaki ang magdadala ng relasyon...

Sa aking palagay, walang katunayan ang mga kasabihang ito...siyempre! Marami sigurong mga inlove na naniniwala sa kasabihang iyon pero tandaan niyo ang sasabihin ko, walang kaugnayan ang paghawak ng mga kamay sa pagdadala ng relasyon! Jusko day.. Isipin niyo na lang ah...hindi naman palaging parahas ang pagkakahawak niyo ng kamay ng kapartner mo. Kadalasan ay lagi itong nag-iiba... at napatunayan ko ito base sa aking karanasan. Nagpapalitan lang ang mga posisyon ng mga daliri para maging kumportable ang pagkakahawak ng kamay ng isa't isa at wala itong kinalaman sa pagiging dominante sa isang relasyon. Eh ano kung nasa ibabaw ang thumb ng lalaki? Susunod at susunod rin yun sa mga babae, pwedeng hindi palagi pero more or less, ganun. Depende na yan sa mga taong magiging involve sa isang relationship at hindi depende sa pagkakahawak ng kamay.

O di ba, kaya wag kayong masyadong nagpapaniwala sa mga kasabihan dahil ang lahat ng bagay ay DEPENDE pa rin sa tao o sitwasyon.






Lunes, Pebrero 13, 2012

Shirt! I'm Lost!

Ang aking susunod na i-rereview na pamahiin ay hindi ko pa rin napapatunayan kung totoo o hindi. Madalas sa mga kakilala ko ang gumawa nito at nagkatotoo daw.. kaya alamin natin kung totoo nga ba ito.

ANG PAGBALIKTAD NG SUOT NA DAMIT AY SOLUSYON KAPAG NALILIGAW NG DAAN. Maraming nagsasabing kapag ikaw ay naliligaw, baliktarin lamang ang iyong damit upang hindi ka na pagkatuwaan ng mga ibang nilalang at patuluyin ka na sa tamang daan. Base sa aking mga naririnig, may mga na-experience na raw sila na ganito. Hindi ko pa nasusubukan pero sa tingin ko ay pwede itong totoo o kaya naman ay nagkakataon lang talaga ang mga bagay-bagay.

Isa sa mga pinsan ko ang nag-share ng kwento tungkol sa karanasan nila sa pagbabaliktad ng damit habang naliligaw. Siya raw at ang mga kaibigan niya ay nag-outing at noong pabalik na sila ng Manila, para daw silang hindi nakakaalis dun sa lugar na iyon, parang paikot-ikot lang raw sila. May isa sa kanyang mga kaibigan ang naniniwala sa pamahiin kaya't sinabi sa barkada na baliktarin ang shirt na suot nila. Dahil na rin sa takot, binaliktad nga ang mga suot nila. Pagkatapos raw noon, nakita na nila ang totoong daan at nagpatuloy na sila sa paglalakbay..

Sa aking palagay, nagkataon lang ito. Ano namang kinalaman ng pagbabaliktad ng damit sa paglalakbay? May kaugnayan ba ang pagbabaliktad ng damit sa pag-iisip o pagtahak ng tamang daan? Paano kung hindi ko binaliktad ang aking damit kapag naliligaw ako, forever na ba akong maliligaw? Minsan, naligaw na rin ako sa isang lugar, pero nahanap ko naman ang tamang daan nang hindi binabaliktad ang aking damit.

Siguro, kaya minsan ay pinaniniwalaan ng mga tao ang pamahiing ito ay dahil nagkakatotoo nga sa sitwasyon nila. Sa palagay ko, dahil sa takot, nagiging mas active ang utak natin sa pag-iisip kung kaya't mas nahahanap natin ang tamang daan. Kung baga, pampalakas loob ang pagbabaliktad ng suot na damit.. In short, "psychological" lang yan! Wahahahaha!!! Isipin mo nga, hello? Damit lang yan...ni walang kaugnayan sa paligid mo... hehe..

Naibigay ko na at nasabi ko na ang opinyon ko dito, nasasainyo pa rin kung babaliktarin niyo ang inyong mga damit kapag naliligaw kayo...wahahahah!



Linggo, Pebrero 12, 2012

The Killer Kuko!

"Naku iha, wag na wag kang maggugupit ng kuko sa gabi, baka mamatay ang iyong mga magulang". Iyan ay ang eksaktong sinabi sa akin ng aking tita dati noong ako'y magtangkang gupitin ang kuko ko noong isang gabi. Hay naku, as usual...wala na namang scientific explanation ito. Mga nakuha lang rin ng mga matatanda sa mga matatanda. Hello? Anong connection ng kuko sa buhay ng tao?! Ang mga pamahiin nga naman...

Nagsearch ako sa google kung ano nga bang essence ng pagkakaroon ng mga kuko baka sakaling ma-i-relate natin sa pamahiin at baka may point ang pamahiing pinaniwalaan ko simula bata ako. Sabi ng google, ang kuko raw ay di naamn kailangan para tayo ay mabuhay...bale nagsisilbi lang siyang support sa mga daliri. Ang ibig sabihin nito ay kahit pa tanggalin mo ang mga kuko sa katawan, walang masyadong maapektuhan...support lang sa daliri ang mawawala. Sa mga naresearch ko, mas lalong pinatibay nito ang di ko paniniwala sa katakot takot na pamahiing paggugupit ng kuko sa gabi.

Kung iisipin mo, hindi naman kunektado ang kuko mo sa ibang tao... kung meron man masasaktan sa paggugupit ng kuko ay mismong ikaw lang yun at nangyayari lamang ito kapag nagupit mo pati ang iyong balat o pag nasama ang balat mo sa paggugupit. Mga tao talaga o! Matagal-tagal rin akong naniwala sa pamahiing iyon hanggang isang gabi noong kinailangan ko na talagang maggupit ng kuko dahil masyado na itong mahaba at malalagot ako pag mahaba ang kuko. Ginupit ko ang mga ito, at wala naman nangyari ni katiting na aksidente o sakit na dumapo sa kahit sinong miyembro ng aking pamilya.

Kaya masasabi kong ang paggugupit ng kuko sa gabi ay CERTIFIED UNTRUE URBAN LEGEND na naman! Kung sinong naniniwala pa.. aba, try niyo nang mapatunayan niyo :)


Huwebes, Pebrero 9, 2012

Oh My Twin Bananas!

Isa sa mga pamahiin na inilista ko sa isa kong blog ay ang tungkol sa pagkain ng kambal na saging. Ito umano'y nagreresulta sa pagkakaroon ng kambal na anak!! Paano kaya mangyayari yun? Ano ba ang nakukuha sa saging para magkaroon ka ng kambal na anak? Di ba't vitamins lang naman ang naibibigay ng saging so kung marunong kayo ng kaunting Math at kung kambal ang saging, dobleng vitamins lang ang makukuha ng katawan. Times two kung baga..ano kaya ang naisip ng mga matatanda para masabing magkakaroon ng kambal na anak ang sinumang kumain ng kambal na saging?

Sa pagkakaalam ko, hindi naman talaga ito totoo base sa natatandaan kong karanasan ng aking ninang na kumain ng kambal na saging. Sinabihan din siya ng aking lola na kapag kumain siya ng kambal na saging ay magkakaroon siya ng kambal na anak. Nag-alangan ang ninang ko pero kinain pa rin niya dahil gustong-gusto niyang kumain ng saging noon. Nang magbuntis siya at nanganak, hindi naman kambal ang lumabas na anak! Isang lalaki na normal at walang halong kambal o dalawang parteng kung ano sa katawan... Kaya alam kong wala talagang katotohanan itong pamahiin na ito.

Kung mayroon mang nagkaroon ng kambal na kumain ng kambal na saging, siguro ay nagkataon lamang iyon. Siguro may ganitong pangyayari dati at may matandang nakakita at kung anu-ano na ang ginawang conclusion sa pangyayaring ito. Kaya mga kaibigan, WAG kayong maniniwala sa kasabihang ito. Tulad ng iba, HINDI pa ito proven ng mga matatalinong scientists. Kaya kung natatakot kayong kumain ng kambal na saging dahil sa takot na magkaroon ng kambal na anak, eh magisip-isip na kayo..wala naman talaga kayong dapat ikatakot. Ok?



Martes, Pebrero 7, 2012

Super Pamahiin-NESS!

Hirap na naman akong mag-isip ng panimula dito sa aking blog ngayong araw na ito. Siguro ay dahil malapit na ang Valentines at kinikilig ako sa mga pwedeng mangyari kung kaya't nababawliw na ako sa kakaisip ng panimula pero dahil nasimulan ko na, ipagpapatuloy ko na ang topic nitong blog na ito.

Dahil sa pagtatanong ko sa mga tao at pag-alam ko ng mga pamahiin na alam nila, natuklasan ko na pare-pareho lang ang alam nila at yung iba ay mali-mali pa kaya't ililista ko ang mga pamahiin na aking alam bago ako tumuloy sa pagtuklas ng mga bagong pamahiin.

1. Pag may humakbang sa isang tao habang natutulog, hindi na ito lalaki.
2. Ang pagkain ng kambal na saging ay nagreresulta sa kambal na anak.
3. Ang paggupit ng kuko sa gabi ay maaring magdulot ng kamatayan ng kapamilya.
4. Ang pagbaliktad ng suot na damit ay solusyon kung naliligaw sa daan.
5. Ang pagtalon sa gabi ng Bagong Taon ay nakakadagdag ng kaunti sa pagtangkad.
6. Kapag naglagay ka ng libro sa ilalim ng unan at tinulugan mo ito, ikaw ay tatalino.
7. Pag nakatulog ka ng basa ang buhok, mabubulag ka.
8. Pag may dumaang itim na pusa sa harap mo, hindi ka makakautang.
9. Nakakabulag ang pakpak ng paru-paro kung ito'y hinawakan at kinusot mo ang iyong mata.
10. Bawal isukat ang wedding gown bago ikasal dahil baka hindi matuloy ang kasal
11. Wag magwalis pag gabi, itataboy ans swerte.
12. Pag may nalaglag na kutsara sa mesa, magkakabisita ka ng babae. Pag naman tinidor, lalaki ang magiging bisita.
13. Huwag magbigay ng panyo sa girlfriend, ibig sabihin ay papaiyakin mo siya.
14. Kapag ikaw ay dumating at may nakitang baby, lawayan mo ang paa para hindi mausog.
15. Sukob raw ang kasal ng magkapatid na ikinakasal ng parehong taon.

Sa ngayon ay iyan pa lamang ang natatandaan ko.. alam kong iba sa inyo ay hindi na ito alam kaya inilista ko na ang ibang alam ko para naman mas mapadali ang pagrelate niyo sa iba ko pang mga blog. Ayun muna sa ngayon! Bow!




  • nakabubulag ang paghawak sa pakpak ng isang paruparo kung ito’y napahid sa mata

  • nakatatanggal ng tinik sa lalamunan ang haplos ng taong suhi o ng isang pusa

  • may mamamatay sa pamilya kung may itim na pusang dumaan o tumawid sa iyong harap

  • nakabubulag ang pagtulog ng basa ang buhok

  • tatalino kung ilalagay sa ilalim ng unan ang isang libro habang natutulog

  • nakapagdudulot ng kulugo ang paghawak sa palaka

  • totoong itinataboy ang swerte kung magwawalis sa gabi

  • may siyam na buhay ang mga pusa

  • bulate ang karne ng hamburger

  • pusa ang karne ng siopao

  • may itinatagong taong-ahas ang Robinsons department store

  • may kayamanan sa dulo ng isang bahag-hari

  • nag-e-exist ang mga aswang, bampira at manananggal at lumalabas sila tuwing hatinggabi

  • ang sirena ay kasama ng mga isdang namumuhay sa dagat

  • may nakakatakot na personalidad ang mga bumbay bukod sa pagpapautang

  • na ako’y huhulihin ng mga pulis dahil sa aking kakulitan o kalokohan

  • ang pagkulog ay dulot ng pagbu-bowling ni San Pedro

  • ang pagtalon sa gabi ng bagong-taon ay magdadagdag ng kaunting tangkad

  • ang pagbaligtad ng suot na damit ay solusyon kung maliligaw ng daan

  • mga dwende o nuno sa punso ang nakatira sa bahay ng anay

  • ang pagkain ng kambal na saging ay nagre-resulta sa kambal na anak

  • si santa claus, ang kanyang mga reindeer at ang kwento sa likod nito ay katotohanan


  • nakabubulag ang paghawak sa pakpak ng isang paruparo kung ito’y napahid sa mata

  • nakatatanggal ng tinik sa lalamunan ang haplos ng taong suhi o ng isang pusa

  • may mamamatay sa pamilya kung may itim na pusang dumaan o tumawid sa iyong harap

  • nakabubulag ang pagtulog ng basa ang buhok

  • tatalino kung ilalagay sa ilalim ng unan ang isang libro habang natutulog

  • nakapagdudulot ng kulugo ang paghawak sa palaka

  • totoong itinataboy ang swerte kung magwawalis sa gabi

  • may siyam na buhay ang mga pusa

  • bulate ang karne ng hamburger

  • pusa ang karne ng siopao

  • may itinatagong taong-ahas ang Robinsons department store

  • may kayamanan sa dulo ng isang bahag-hari

  • nag-e-exist ang mga aswang, bampira at manananggal at lumalabas sila tuwing hatinggabi

  • ang sirena ay kasama ng mga isdang namumuhay sa dagat

  • may nakakatakot na personalidad ang mga bumbay bukod sa pagpapautang

  • na ako’y huhulihin ng mga pulis dahil sa aking kakulitan o kalokohan

  • ang pagkulog ay dulot ng pagbu-bowling ni San Pedro

  • ang pagtalon sa gabi ng bagong-taon ay magdadagdag ng kaunting tangkad

  • ang pagbaligtad ng suot na damit ay solusyon kung maliligaw ng daan

  • mga dwende o nuno sa punso ang nakatira sa bahay ng anay

  • ang pagkain ng kambal na saging ay nagre-resulta sa kambal na anak

  • si santa claus, ang kanyang mga reindeer at ang kwento sa likod nito ay katotohanan

  • Lunes, Pebrero 6, 2012

    Ang Mahiwagang Hakbang

    Isa sa hinding-hindi ko makakalimutang pamahiin ay ang tungkol sa "mahiwagang hakbang". ang tinutukoy ko dito ay ang PAGHAKBANG SA ISANG TAONG NATUTULOG NA MAGIGING SANHI NG HINDI PAGLAKI. Hanggang ngayon, may parte pa ring naniniwala ako dahil hindi na nga ako lumaki simula noong sunod-sunod ang paghakbang ng mga tao sa akin habang ako'y nakahiga sa sahig. Pero dahil na rin sa pagiging bukas ang isip, nakita kong wala naman talaga itong kinalaman sa paglaki ng tao. Kapag humakbang ka ba sa isang tao, mababawasan ang pagprorproduce nito ng growth hormones? Sabihin na natin na kahit kahibang-hibang ay totoo ito, kahit pa nababawasan ang growth hormones, di ba't may natitira pa rin? E di ibig sabihin, lumalaki pa rin ang tao kahit anong mangyari.


    Pero dahil may mga batang super pinapaniwalaan ang itong kasabihang ito, isang misyon para sa akin ang hadlangan ang kanilang paniniwala at ipakita ang katotohanan.
    Sa mga susunod na mga araw, i-popost ko ang aking experimento hinggil sa pamahiing ito at iba pa. Kaya't patuloy na sumubaybay dito. Ayun lang sa ngayon..



    Sabado, Pebrero 4, 2012

    Naniniwala Ka Ba?

    Bakit kaya may mga pamahiin? Sino nga bang nag-imbento ng mga ito? Kanino kaya nagsimula ang mga kasabihang nakakaloka kung iisipin? Hay naku, dahil sa mga pamahiing iyan, marami tayong nagagawang mga bagay na walang katuturan o kaya naman...marami tayong bagay na hindi nagagawa at natatapos kaagad dahil sa mga kasabihan.

    Aaminin ko na minsan dahil sa may pagka-"engot" ako dati, lahat ng sasabihin ng mas matanda ay susundin ko pero simula nung sinubukan kong wag gawin ang mga bagay na sa tingin ko ay hindi naman totoo, katulad nga ng mga pamahiin, well.. doon na ako nagsimulang mag-isip kung ano ba talaga.

    Feel ko, may mga tao rin namang makakarelate sa kin dahil maraming katulad ko ang di na rin naniniwala. Sa panahon ngayon, kakaunti na lang ang may alam ng mga pamahiin na sadyang nakakabaliw kaya pagkakataon niyo na itong matuklasan ang mga bagay-bagay. Baka nga masabi niyo pa sa sarili niyo na "May ganun pala?" kasi ganyan rin ako ng subukan kong magresearch ng mga pamahiin. hehehe..

    Ngayon, kung ikaw naman ay isa pa ring believer ng mga pamahiin at ayaw mong bitawan ang pinaniniwalaan mo, wala na akong magagawa dun ngunit di mo ako mapipigilang magpatunay na mali ito.. Bwahahaha!

    Sa mga susunod na araw, makikita niyo na ang mga experiment na ginawa ko para maputunayan ang bisa ng pamahiin. Matutuwa ako at papalakpak pa ang aking mga tenga kung ako ay susubaybayan niyo at kungpanunuorin niyo ang aking mga experiment.

    Hanggang dito na lamang muna ang aking blog. Salamat sa pagbabasa!