Martes, Marso 27, 2012

Heartbreaker Hanky

Halllooo mga tagasubaybay! Matagal akong di nakapagsulat dahil napakademanding ng schedule ko..may gulay! Pasensya na po..anyways, di ko na papahabain ang "apology" introduction ko para sa isa na naman pong pamahiin na tatalakayin ko ngayon araw.

Narinig niyo na ba ang pamahiing: Wag kang magreregalo ng panyo sa girlfriend/boyfriend, dahil ang ibig sabihin nito ay papaiyakin mo siya? Kung binabasa niyo nga ang aking mga blog, siguro naman alam niyo na ang pakay ko ngayon, ang sabihing HINDI TOTOO ang pamahiin na ito! Hello, ano kayang kuneksyon ng panyo sa pagkakaroon ng luha di ba?

Kung iisipin natin ang logic ng panyo at ng pag-iyak, pwede natin itong maihantulad sa, hmmmmmm....pampatay ng lamok! Pag binigyan ka ng pampatay ng lamok, ibig sabihin ay lalamukin ka! Nyahahahah....di ba, walang kwenta? Paano ko nga ba naihantulad ang pampatay ng lamok sa panyo? Isipin niyo ah, pag may panyo ka, pamahid yun ng luha o kaya ng pawis...pag naman may pampatay ka ng lamok, gagamitin mo yun sa pagpatay ng lamok.. o di ba? Ngunit wala pa rin naman talagang katotohanan ang ganitong logic..duh!

Ang luha lalabas yan kapag napuwing ka o nalungkot o sumaya ng todo, hindi yan lalabas ng dahil binigyan ka ng panyo bilang regalo.. well, baka pwede kung sobra kang natuwa or nalungkot sa pagkakaregalo sa'yo ng panyo, pero hanggang dun na lang yun ano!... Kung ibabase natin yan sa karanasan ko sa buhay, well.. ako ang nagregalo ng panyo sa boyfriend ko noon...pero ang nangyari ay, AKO ang UMIYAK! Sus...kaya wala talagang katotohanan itong kasabihang ito..

Ang pag-iyak ay hindi kunektado sa pagkakaroon ng panyo na bigay ng iba.. itong kasabihan na ito ay likha lamang ng mga taong may pagkapraning katulad kona walang magawa kung di bigyang malisya lahat ng bagay..wahahaha!! In fairness, magaling din silang mag-connect ng mga bagay-bagay...yun nga lang, umaabot sa point na kahibangan na nga.. Kung hindi pa rin kayo naniniwala sa kin, eh...kayo na bahalang mabulag sa mga pamahiin na iyan.. Adios muna para naman makalamon na ako ng aking hapunan! hihihi!



 

Huwebes, Marso 8, 2012

Laglagan na!

Tayong tao, super malikhain tayo eh. Marami tayong naiimbentong mga bagay para mapadali ang ating buhay. at isa na rito ang mga gamit sa pagkain. Ang kutsara at tinidor ay mga bagay na tumutulong sa atin upang tayo ay makakain ng may class o kaya'y makakain ng mahusay, eh paano kung sila ay mahulog mula sa mesa nang di sinasadya?? May ibig sabihin kaya nito? Well, what do you expect? Siyempre, meron.. duh..kaya nga po ako nagbblog.. hehehe.. ok..

Isa sa mga pamahiin ng mga matatanda ang tungkol sa pagkakalaglag ng kutsara at tinidor. Ang sabi ay, kapag raw nalaglag ang kutsara ay may darating na bisitang babae at kapag naman nalaglag ang tinidor ay may darating na bisitang lalaki.. wahahahaha! funny yah? O sige, in fairness sa mga lolo at lola dyan na nagpapalaganap ng mga pamahiin na ito, minsan naman ay nakakachamba ngang nagkakaroon ng bisita ayon sa nalaglag na kubyerto.. pero, mga friends, hindi po ito nagpapatunay na totoo ang kasabihang ito!!!

Kung ang pagkakalaglag ng kutsara ay para sa bisitang mga babae at ang pagkakalaglag ng tinidor ay sa mga bisitang lalaki... paano ang kutsilyo pag nalaglag o kaya chopstick sa mga mahihilig gumamit ng chopsticks? Ano yun, juding or tibo ang darating? Bakit ang sexist naman? Hindi ba pwedeng pag nahulog ang kutsara eh lalaki ang dumating or vice versa? O di ba...sumagad na naman po ako sa mga katanungan...at isa po yang patunay na wala po talagang katotohanan ang kasabihang ito...

Ano nga bang kaugnayan ng mga kubyerta sa pagdating ng bisita? Ano yun, pag nahulog ang tinidor, may bisitang lalaki agad? HALLER?? hahaha...sige nga..mag-isip-isip naman kayo friends!!...






Linggo, Marso 4, 2012

Walastik Walis!

Makikita niyo pa lang sa title na ang topic natin for today ay WALIS! Haha..opo mga kaibigan... isang pamahiin na naman po tungkol sa pagwawalis ang aking tatalakayin ngayon. Pati pagwawalis, mayroong kasabihan...ang mga matatanda nga naman!

"Sinasabi na ang pagwawalis raw sa gabi ay nagtataboy ng swerte....ibig sabihin, bawal magwalis kapag gabi kung gusto mong tuloy tuloy ang swerte na pumasok sa inyong bahay.." (CHINESE ACCENT)... hahaha..kaya ko nilagay na chinese accent ay dahil naimagine ko ang sarili kong nagsasabi ng feng shui.. hahaha.. anyways.. katulad ng ng sinasabi ko noon pa.. wala pong katotohanan ang mga ito!! Duh!

Kapag ikaw ay nagwawalis, hindi ba't gusto mo lamang luminis ang iyong winawalisan upang makaiwas sa dumi at alikabok na nagdadala ng malas na sakit na iyan? So mas malas pag hindi ka nagwalis dahil may posibilidad na magkasakit ang mga tao sa iyong paligid...eh paano kung kinailangan mong magwalis sa gabi? Susundin mo pa ba ang pamahiin para lamang makuha ang walang kasiguraduhang swerte? Isasaalang-alang mo ba ang health ng mga taong nakapaligid sayo at health mo rin para lamang dito? Mag-isip ka friend!!

Eto lang ang masasabi ko sa inyo...ang swerte, nasa kamay yan ng tao....kung swerte ka edi swerte..kung di ka naman talaga swerte..eh pasensya ka...di yan nakukuha sa pagwawalis nuh! Wahahahahahaha....Hello? Kung gusto mong swertehin ka..ang magandang gawin ay gumawa ka at hindi kung anu-ano po ang pinaniniwalaan mo dahil kung takot kang isugal ang ganitong bagay, walang mangyayari sa life mo...gets? Bow! Ayan...nangaral pa tuloy ako...




Biyernes, Marso 2, 2012

I Must Not Fit!

Dahil isa akong hopeless romantic, ang gagawin kong blog ngayon ay tungkol sa kasal!! Wahahahaha... hindi ba't magandang pagmasdan ang mga ikinakasala lalo na kung mahal talaga nila ang isa't isa? Siyempre, para sa aming mga babae, pangarap namin ang makapaglakad sa altar at magsuot ng wedding gown... Gusto namin, kami ang pinaka-dyosa sa kasal namin at dahil dyan, gusto namin na perpekto ang lahat. Ippraktis lahat ng ceremony na gaganapin, isusukat lahat ng dapat isukat para alam mong kasyang-kasya... Pero, mga kaibigan, isa na naman pong pamahiin ang humahadlang dito! Sinasabi na bawal raw isukat ang wedding gown bago ikasal dahil HINDI RAW MATUTULOY ANG KASAL!

Lahat naman ng desisyon sa buhay ay galing sa tao..bakit mo iisipin na dahil sa isang pagsusukat lamang ay mababago na ang mga plano at hindi na matutuloy ang dapat matuloy... tsk tsk tsk.. Base rin po sa mga nakikita kong kinakasal, talagang sinusukat ng bride ang gown bago ikasal... ABA! Minsan ka lang ikasal, hindi mo pa gagawing perpekto dahil lamang sa isang pamahiin?

Tingnan niyo ah, paano kung naniwala ka sa pamahiin at sa araw ng iyong kasal, eh bigla mo na lamang nakita na di pala kasya ang damit mo! Edi deads ka, ano ka ngayon? Well, marami ka namang options kung sakaling mangyari yun. Una, kung tumaba ka...pwede kang hindi huminga buong ceremony upang magkasya ang iyong gown kung kakayanin pa. Kung di na talaga kaya, maghanap ka ng tali o kahit anong pwedeng magkabit sa mga parte na hindi maisara, kung wa-epek pa rin po ito at mas mataba ang maid of honor mo sa iyo, no choice...hiramin mo gown niya..Nyahahaha!

Marami pa namang ibang solusyon pero maiiwasan naman ito kung hindi ka nagpapaniwala sa mga kung anong dapat paniwalaan... Di ba? Ay sus!


Linggo, Pebrero 26, 2012

Pakpak... Bulag!

Isa sa mga kinatatakutan kong hayop ang paru-paro. Ang weird no?..pero totoo.. Ewan ko ba, takot lang talaga ako sa halos lahat ng hayop kahit pa sa mga hayop na maliliit at wala namang ginagawa sayo katulad nga ng paru-paro... Sinasabi nila na lahat ng takot ay may pinaghuhugutan kaya naisip ko, ano kayang nangyari at pati paru-paro ay kinatatakutan ko?

Ayan, isang pamahiin na naman ang lumabas, and worse...may kinalaman ang butterfly!!! Anu berrr!! Sabi ng mga matatanda, kapag raw hinawakan mo ang pakpak ng mga paru-paro at kinusot mo ang iyong mga mata, ikaw raw ay mabubulag. Eto siguro ang rason ng takot ko sa butterfly. Imbis na magandahan ako sa kanila, natatakot pa ako! Maling paniniwala na naman ang nangyari sa aking buhay.

Ano nga bang makukuha sa paghawak ng pakpak ng paru-paro? Siyempre, wala akong sariling karanasan dahil nga takot ako sa paru-paro pero siyempre, dahil gusto kong patunayan na mali ang pinaniniwalaan ko dati at matutunan kong mahalin ang mga paru-paro, magbibigay na lang ako ng sitwasyon kung saan mapapatunayan ko na isa na naman pong kahibangan ang pamahiing ito.

kung nakakabulag nga ang mga pakpak ng paru-paro, bakit maraming bata na humahawak ng paru-paro at walang kamalay-malay na kumukusot ng kanilang mga mata ang hindi pa bulag hanggang ngayon? Yung mga caretaker ng butterfly garden sa mga zoo, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila bulag? Sabihin na nating di nga nila kinusot ang kanilang mga mata... pero kung may substance nga na inilalabas ang mga paru-paro sa kanilang pakpak upang makabulag, edi sana, lahat ng lumapit at tumingin sa mga pakpak nito, ay nabulag na, lalo na yung mga taong nadapuan pa ng paru-paro sa mata?

O di ba? Walang epekto ang pakpak ng paru-paro sa pagkabulag ng isang tao dahil bukod sa mga katanungan ko, wala naman talaga nabulag sa pakpak ng paru-paro eh.. ngayon, kung naniniwala pa rin kayo sa ganitong pamahiin... wala na akong magagawa dun...sinabi ko lang po ang aking opinyon at kayo na ang bahala kung anong gagawin niyo.. Basta ako... hindi na ako maniniwala para mawala na ang takot ko.. mas matapang pa sa kin ang mga bata eh..hihihi!


Huwebes, Pebrero 23, 2012

Wet Me Then No See

Hayyyy, ang sarap maligo sa gabi lalo na kapag nanlalagkit ka buong araw at gusto mong magrelax, di ba? Pero oops, ang sabi ni lola.. wag raw~!!!!! Alam niyo kung bakit? Dahil pag basa raw ang iyong buhok at ito ay tinulugan mo, deads ka... bulag ka pagkagising mo! Oh my GASH!

Noong bata ako, takot na takot akong maligo sa gabi dahil nangangamba akong baka makatulugan kong basa ang aking buhok at ayaw kong mabulag sa umaga ayon sa pamahiin ni lola.. Kaya noong bata ako, kahit sobrang malagkit ang feeling ko, super tulog pa rin ang lola mo! Oh well... pero siyempre.. noong tumanda ako at nagkaisip...hayy naku, walang kwenta talaga ang mga pamahiin... Kadiri lang yung ginawa ko dati.. Wala naman talagang mangyayari sa mata mo kung natulog kang basa ang buhok... sa naranasan ko, pwedeng lamang sumakit ang ulo mo at magkaroon ng wet mark ang unan mo.. AYUN LANG YUN! Hindi ako nabulag at mas lalong hindi ako nabaliw na katulad ng paniniwala ng iba..

Sa aking palagay, naiisip lang ng mga matatanda ang ganitong pamahiin dahil baka pag basa ang buhok at may natirang shampoo tapos pumunta sa mata tapos nagkatong natulog at napapunta sa mata ang shampoo, eh yun ang maaaring sanhi ng pagkabulag..eh napaka-shunga naman ng gagawa nun.. at sasakit lang rin ang mata mo kung mapapunta man ang shampoo sa mata hindi naman totally mabubulag ka.. hayy.. ang mga lola talaga.. hahahah..na-realize ko, ang weird pala ng explanation ko kung bakit pwedeng magkatotoo yung pamahiin...maipilit lang kasi eh sa totoo lang, hindi naman talaga pwedeng ipilit na totoo kasi HINDI ITO TOTOO!

Kung di pa rin kayo naniniwala sa karanasan ko at mga pinagsasabi ko, go ahead and try... kung nabulag kayo e di sorry, haha, totoo pala.. pero nakakasiguro naman ako na hindi kasi nga nasabukan ko na... kayo na bahala mag-isip kung ano talagang opinyon niyo.. wahahaha...


Martes, Pebrero 21, 2012

Instant-Talino Libro

Kapag ikaw ay humiga, ilagay mo lang ang libro sa ilalim ng unan mo at ikaw ay tatalino! Eheeemmmmm... ano na naman po itong kahibangang ito? Matutulog ka lang na may libro sa ulo tapos tatalino ka na? Sana kung totoo ito, marami nang matalino sa mundo at wala nang mga shunga sa kalye, sa relationships, sa buhay at sa kung anu-ano pa!... Para saan pa ang eskwelahan kung tatalino na tayo sa pamamagitan ng pagtulog sa isang libro?

Kung saan man galing ang pamahiing ito, nakakasigurado ako na gawa-gawa lang iyon for the sake of pamahiin. Hahahaha.. oh well, sa bagay...sila na rin ang nagpatunay na mali ang kanilang pamahiin dahil kung totoo ito, wala na sanang mga pamahiin na kumakalat noong sinaunang panahon pa at puro scientific evidences na lang ang meron sa ngayon...

Pero kung iisipin natin, at kung sasabihin nating totoo nga na tumatalino tayo pag nakakahiga ng libro, hindi ba't nakakatakot rin yun? Kasi tingnan niyo ah, kung lahat ay naniniwala at gumagawa ng ganito, maraming tao ang hindi magiging kuntento sa pagsasalita at maaari pang madagdagan ang mga MAYAYABANG sa mundo dahil nga lahat na ng tao ay matatalino...

Kaya hindi totoo ang mga pamahiing ganito ay upang mapanatili ang balanse ng mundo, sa tingin ko ah, kasi hindi tayo magiging perpekto at magkakamali pa rin tayo sa mga bagay-bagay.. Paano kaya naiisipan ng mga matatanda yung mga kasabihang ito? Sabi nila, mas matatalino ang mga matatanda...pero bakit walang ebidensya ang mga pamahiin na sinasabi nila...Hayy, mga tao nga naman... O basta, hindi totoo ang pamahiing ito dahil nasubukan ko na.. wahahahaha... magiging matalino ka kung babasahin mo ang libro at iintindihin, hindi HIHIGAAN.